Isang buwan, at ilan pa ba?

Umuulan din nuong eksaktong isang buwan na nakalipas,

ang kaibahan lang ay ang pakiramdam nuon sa ngayon.

Laging inaasam ang susunod na araw na naglalapit sa susunod na pagkikita

Bawat oras na mag kausap, sana’y sa personal na lang naririnig ang mga salita

itutulog na lang ang paghahanap ng yakap

hanggang dito na lang muna

 

Umuulan din nuong eksaktong isang buwan nang nakalipas

at lumipas na ang oras na magkasama

naubos na ang mga salita

natapos na ang yakap

hanggang dito na lang pala talaga

 

Umuulan din nuong eksaktong isang buwan nang nakalipas

tila wala nang saysay ang mga dating inaasam

na oras, paguusap, at mga yakap

hindi na alam saan napadpad

tila parang ulan din lahat ng ninais

bigla-biglang dadating, at agad-agad ding babagsak

tatangayin ng ihip ng hangin

ilalaglag ng pag-buhos ng ulan.

 

Advertisements

Got a thing to leave behind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s